ANG PAGTANAW SA DULO NG DAGAT
Noong unang panahon,naniniwala ang mga taga baryo hiwaga na ang mundo ay patag at kapag ikaw ay naglayag sa kadulo-duluhan ng dagat ay maaari kang mahulog. Sa baryo hiwaga nakatira si Tarik. Si Tarik ay isang binatilyong manlalakbay. Isang araw ay napansin ni Tarik na ang araw ay lumulubog sa kanluran at umaangat sa silangan. Napaisip si Tarik, "Patag ba talaga ang mundo? ". Kinabukasan ay naglayag si Tarik kasama ang kanyang tauhan. Lumipas ang isang buwan at di parin nila natatagpuan ang dulo ng dagat, kaya't bumalik si Tarik kasama ang kanyang mga tauhan sa kanilang baryo sa pag-aakalang di totoo ang bangin sa dulo ng dagat. Dahil sa tagal ng kanilang paglalakbay ay nakatulog si Tarik. Sa pagtulog ni Tarik ay napanaginipan nyang nahulog sya sa dulo ng dagat at napunta sya sa mala disyertong lugar. "Tarik!" sigaw ng nanay ni tarik. Niyakap si Tarik ng kanyang ina dahil sa tagal nilang di nagkita.

Dahil sa kanilang paglalakbay at kanyang panaginip sinigaw nya sa kanilang baryo na "Di patag ang mundo".
"Baliw! ", "Tama, isa nga syang baliw", "Baliw!", sigaw ng mga kabaryo ni Tarik.
Dahil sa sinabi ni Tarik nagsi-alisan ang karamihan sa kanyang tauhan dahil sa pag-aakalang nasisiraan na ng pag-iisip si Tarik. Napagtanto ni Tarik na kulang ang kanyang ebidensya. Upang mapatunayang totoo ang sinabi nya, naglakbay siyang muli kasama ang kaunti nyang tauhan. Tinawid nila ang bawat along kanilang madaanan hanggang sa mapatunayang di patag ang mundo. Dahil sa tagal ng kanilang paglalakbay naubusan sila ng makakain, kaya't sila'y nangisda. Habang nangingisda ay nakatulog si Tarik. Nanaginip sya tungkol sa pabuyang kanilang matatanggap kung mapatutunayan nilang di patag ang mundo.
"Ibaba ang layag!" sigaw ng tauhan ni Tarik.
Nabigla si Tarik sa taas ng mga alon. Bagamat matataas ang mga alon ligtas na nakatawid sila Tarik. May natanaw syang isla na pwede nilang daungan. Nagpalipas sila sa isla matapos ang mahigit isang taong paglalakbay. Habang nasa isla, natuklaw ang isa sa mga tauhan ni Tarik na naging dahilan upang lisanin nila ang isla. Dahil sa pagkamatay ng kanilang kasamahan, nanghina ang kanilang loob.
"Totoo ba talagang di patag ang mundo?" tanong ng tauhan ni Tarik
Bagamat nanghihina ang loob patuloy parin silang naglayag. Laking gulat nila ng makabalik sa timog ng kanilang baryo.
"Ang baryo Hiwaga?!", nagtatakang tanong ng tauhan ni Tarik
"Ang baryo hiwaga nga!, Bilog ang mundo!" sigaw ni Tarik
Dahil sa mahigit isang taong paglalakbay nila Tarik sa mundo natukalasan nila na ang mundo'y di patag at ito'y bilog.

Comments
Post a Comment